<blockquote rel="stolich18">agree with @totoyOzresident's comments about Labor and Liberal. According to my friend na 6 years na dito, eto mga comment ng relatives nya and officemates about Rudd and Abbott (or about labor and liberal):
Labor:
"Sila nagpataas ng lahat ng bilihin saka ng immigration fees. last yr alone, 2x tumaas, and tataas pa sa october. sila din nag cut ng SOL fr 300plus occupations to 100plus. Papasok ang carbon tax pag nanalo sila.
During Howard's time (Liberal), madaming cash overflow ang Au kaya nung naupo si kevin rudd, namigay ng namigay. ngayon ubos na kaya puro taxes at tataas pa lalo ang taxes dahil sa carbon at telecoms taxes na naiisip nila. walang nagawa yan nung umupo kaya napalitan ni gillard.
Saka Kevin Rudd is not for immigrants. Tony Abbott is. Hindi tayo poprotektahan ni Rudd. Kinut na nung time niya yung benefits for skilled people. Noon, may allowance ang migrants habang wala pang nahahanap na work. Inalis yun during his time, tapos nag increase at naghigpit lahat. Si Abott madaming kasama sa partido na migrants. Pantay ang tingin niya. Si Rudd madaming naiisip yan na out of pocket taxes from skilled people. hehehe
mga officemates kong aussie ayaw na kay rudd kaya kay abbott na boto nila.
Noon si Kevin Rudd binoto nila ate. Nung naupo, daming prices nagtaas, budget cuts ng benefits, walang naramdaman na balik, higher taxes pa, kaya nadala sila. Liberal na daw ngayon iboboto nila. hahaha. Saka pansinin mo yung advertisements ng labor against liberal. ang dami, pati sa M2. Mas madami silang perang nilulustay. Si Abbott, bihira mo makita mga adverts niya against labor. "
Dati raw si Rudd pa binoto ng kapatid nya. Eh after daw iboto wala naman daw nagawa for Australia. Yung officemate ko dito na citizen na rin, sabi nya kelangan daw tlga ng balance ng Australia. After Labor, dapat liberal naman para madagdagan ulit ang reserves ng Au. Yun nga lang daw expect na marami tlgang cuts sa umpisa. Pero in the long-run daw, better for Au. Pansin ko lang nung debate nina Rudd and Abbott, mas magaling magsalita si Rudd hehehe Perhaps kase ilang beses na sya naging PM? Mas gusto rin sya ng mga taong nasa Trade.
Oh well let's hope for the best na gagawin ni Abbott ang mga tamang decisions now that he is the PM.
</blockquote>
Thanks stolich18. I agree with your comment. Australia is in the right track under the PM Tony Abbott of Liberal/National coalition Party. Kailangan talaga mahinto yung Labor kasi overspending masyado ang labor with poor planning. I think naging tradition na rin ng Australia politics kapag marami ng ipon ng budget ang previous party sunod naman na bagong Political party yun ang gagastos. đŸ˜ƒ in my opinion mas gaganda ang economy ng Australia by early next year.
Cheers