@irl031816 ano nakita sa hubby mo? yung sa hubs ko kasi, infiltrates. Pero wala naman na sa xray nya sa private clinic. I think it's because before the medical nya, 2weeks before, nagka pneumonia sya. Ang worry ko lang, may mga nababasa kasi ako na wherein negative sa sputum and culture, pero since umigi ang xray ng walang ginagawang anything, they think na it's an active sort of anything haha praning lang kami. Katakot kasi e, na maextend na naman. Medyo exhausting na.
@irl031816 said:
@mikopara said:
Hello po. we are scheduled for Sputum tests on July 19 to 21 at SLEC Manila
I would like to ask the following questions:
- Do you have tips on how to get the desired result for sputum tests?
- Is it true the result will be available in 2 months?
- Is it easy to provide 7.5ml of Phlegm for the Sputum tests?
Thank you in advance ๐
Not me pero si husband ko:
- Wala naman syang kakaibang preparations na ginawa bukod dun sa advice na fasting and no coloured drinks for at least 8 hours. Yung sa pag inom ng water hindi naman sya strict kasi may times na umiinom sya habang nasa pila.
- June 26-28 yung schedule ng sputum collection nya nun, pinabalik sya ng July 3 para sa pulmonary interview and sinabi naman agad dun na negative yung results ng sputum test nya. Pero need pa din iculture ng 8 weeks so yun yung result na magiging available pa in 2 months. Inischedule sya for repeat xray nung July 6 and sinabi din na okay na din yung results ng xray nya. Aug 23 yung binigay na date sa kanya na matatapos yung culture kaya ayan na lang yung hinihintay namin ngayon and hopefully after that magclear na agad medical nya sa immi.
- 5 ml yung nirequire sa kanila ng mga kasabay nya, basta ang instruction daw noon sa kanila eh huminga ng malalim ng 3 times tapos ubo ng malakas. Never naman sya pinaulit dun sa pagkuha ng specimen.
I suggest pala na agahan ang punta kasi kami 4am andun na at may pila na agad, kapag dumating ka ng around 5-5:30 expect na mahaba na talaga ang pila kasi sama sama lahat dun eh pati yung visa applicants ng ibang countries. Nagpapapasok naman na before 6 am and around 6:30 tapos na sya kaya better talaga to arrive way earlier than schedule.