Hi mga kabayan, hingi sana ako payo haha (hinde lovelife dont worry) hahaha. Pang tanggal buryong nyo na din 🤣
While waiting ako PR inenroll ko kapatid ko sa uni dito sa melb as intl student. Bumagsak siya tas nagrenew kami student visa niya para matuloy kahit paano, etong lokong school inexclude ba naman siya matapos mag accept ng bayad due to the previously failed subjects 🙃 tapos ngayon patapos na visa nya aug 2023. Irerefund daw yung last term so may mababalik na pera kahit papano.
Iniisip ko lang worth it pa ba ienrol sya sa ibang school? 30 na kasi siya, sa pilipinas sya nag alaga ng nanay namin bago mawala, so nadepress at di natapos sa PH uni. Ngayon naman sa Australian uni, yun nga nadale ng kaek ekan ng school. Tuloy ko ba? Pag pinauwi ko kasi parang kawawa wala na mangyayari sa buhay niya. 🥲 kung papalarin kasi yung PR ko kukuha ko si father ng parent visa sana, tas kung uuwi kapatid ko yung last remaining relative nalang option, dekada din aantayin. Gusto ko sana makasama sila ng tatay ko rito.
Ano mapapayo nyo?