WHV, pwede kang mag-aral at mag-work. BACKPACKERS ang tawag sa kanila.
If mag-lodge ka, 5 mins lang, may visa kana. Basta complete requirements ka.
One year validity. Ang iba, gusto yan kasi Baka Sakali na makahanap sila ng Sponsorship — target yung Skilled Work line gaya ng Chef. Magpakitang gilas ka for three months, pwede ka na nila bigyan ng Sponsorship pero wala din yang kasiguraduhan.
Bago maexpire ang WHV, need mo magwork sa Regional area for 3 months ata if willing ka pa magrenew ng WHV (another 1 year).
For me, para syang TV, ang pinagkaiba lang — allowed ka mag-work at mag-study.
Parang ang ganda pakinggan pero stressful din yan kung wala kang work na makita for a month/s. Sobrang laki ng gastos dito sa Australia. Bilang WHV, ang kalaban mo sa pag-aapply ay mga Puti from Europe.
And YES, 200 person per year lang yan.
If skilled ka, magPR ka nalang kesa mag-ubos ng oras, pera at lakas bilang WHV.
Always, THINK LONG TERM.