Hi all, humihingi lang ng advice...
1.5 years na ang relationship namin ng partner ko. 485 na yung visa niya, and naka student visa parin ako.
May joint tenancy kami since May 2022, and may joint bank account kami since July 2022.
Plano po sana namin mag apply ASAP kasi nakahanap ng work si partner sa Armidale. 500km or 6 hours drive to from Sydney kung nasaan ang college na naka enroll ako. Expected na kailangan na siya dun mga mid November. Ang problema is, hindi pa registered ang relationship namin sa NSW. Alam namin na malaking bagay to as evidence regarding ng relationship namin. At dahil dito, hesitant pa kami na ituloy ang application.
May successful applicant na ba dito na dumaan sa similar situation?
Ano yung mga documents na napresent niyo as alternative sa relationship registration certificate?