@RJE: I suggest na ipadala n'yo na lang po sa P'nas sa kapamilya/kamag-anak ninyo at ipa-CTC doon, then ipabalik ulit ninyo dito sa Doha. Kung gusto n'yo pang mas makatipid, i-email ninyo sa kapamilya/kamag-anak ninyo yung mga scanned copies ng dox ninyo, then sabihan nyo sila na i-print yung mga inemail ninyong scanned copies by laser printer (para mas maganda quality) at saka ipa-CTC itong mga printouts na ito.
I-assess nyo na lang po kung saan kayo makakamura: ipa-courier ang mga xerox copies nyo from Doha to P'nas o i-email ang mga scanned copies then ipa-print sa kapamilya/kamag-anak by laser printer. ;-)
In my case, napa-CTC ko na yung karamihan ng documents ko nung nasa P'nas pa ako, then pinapadala ko na lang dito sa Qatar. As for my Cert. of Employment and Proof of Salary/payslip, original po ang sinubmit ko sa VETASSESS (nagpa-pirma na lang ako sa boss ko ng 2 copies). (Since by e-mail po ang payslip namin at naka-PDF siya, nag-printout na lang po ako using laser color printer. Tinanggap naman po ito ng VETASSESS.)