Just want to update this thread, I just paid for my visa a couple of days ago. Subclass 189. Around 4300AUD roughly 167k.
.
Mukhang di talaga gumagana debit card. Mine was UnionBank Debit, nakapag increase naman na yung bank ng daily transaction limit up to 200k. Visited the bank multiple times, called their customer service hotlines daily.
.
Also having more than sufficient amount on the account. But nothing seems to work. Nag try rin ako gumamit ng ibang card like security bank debit, etc. Ayaw pa rin. Payment Declined pa rin.
.
Last resort, naghanap ng friends or relative na may mataas na credit limit. Dami ko rin na-try and daming errors na naencounter, finally I used my Aunt's Security Bank CC and it worked.
.
Di ko na-anticipate na magkakaroon ako ng problem sa mode of payment, akala ko sa stage na 'to generating of funds ang biggest hurdle. May plot twist pala! Lesson learned. Hehe.
.
Kaya para sa mga iwas na iwas sa CC like me, sa ganitong mga pagkakataon pala talaga siya magagamit. Hehe. Hope this shed some light sa mga nasa same situation and sa mga malapit na makareceive ng ITA, lalo na sa may mga dependents na malaki ang visa fees.
.
Currently applying for a CC na. For future purchases lalo na after grant saka pang visa payment ng mga magiging dependents. Hehe.
.
Trying out Citibank, thoughts?
.
Godspeed, everyone!