190 / 189 Visa Tips kung kakadating mo pa lang or kakagrant pa lang.
Ito ang mga listahan na need mong gawin.
Kumuha ng mobile number para sakin Telstra kasi anywhere sa Australia merong signal lalo na sa regional. Wag kalimutan na ipaactivate sa airport ang sim card.
Need nyo ng bank account Commonwealth bank yung samin kaya through online lang magkakaron ka ng bank account pero need nyo pa din pumunta sa branch para sa verification
TFN or tax file number, need nyo yan para sa tax return at hinahanap yan yan sa work
Pagdating nyo mag apply agad kayo ng Medicare kasi 1 month ang iintayin nyo jan.
Yung Centrelink nyo need nyo din asikasuhin agad yan
Drivers license para makapagdrive ka na / Photocard or Photo ID (kung sa NSW ka) isa ding ID yan
HANAP NA NG WORK!
491 Visa Tips naman siguro remove nyo lang yung number 5.
Eto pa ang mga tips ko, magdownload and register kayo ng Afterpay/Paypal kasi pag nag online shopping ka ppwede mong gamitin ang Afterpay/Paypal. Ang nagagawa ng Afterpay/Paypal yung pinurchase divided into 4 example bumili ka ng relos na worth $100 ididivide mo into 4 yan so first payment mo is $25 then every fortnight or 2 weeks $25 lang.
Tapos magdownload and register ka din ng Rewards/Flybuys eto naman ay parang SM Advantage card, so ginagamit ko xa sa Woolsworth at Coles pag nag ggrocery kayo so points system yan hangang sa dumami ang points nyo.
Tips naman para makakuha ng Phone Plan (Telstra)
Kunwari gusto mo ng iPhone 16 Pro Max 256gb, punta ka sa Telstra store or magpa appointment ka then sabihin mo lang na gusto mo magplan ng iPhone 16 Pro Max 256gb then sila nag aayos nun at xempre ang need lang nila is ID which is drivers license/photo ID. Dito meron silang tinatawag na credit check pagpumasa kayo makakakuha kayo ng phone pag hindi naman lower phone ang makukuha nyo. (Siguro after 3 months na fulltime work ok tong gawin)
Tips naman para makakuha ng USED/NEW car sa mga dealer.
Punta ka sa car dealer then check mo kung ano gusto mong sasakyan after nun iready mo ang drivers license (yung saming PH license lang gamit ko), passport, visa at pay slips na 3 months. Then ipa-estimate mo kung magkano per month ang babayaran mo yung samin nasa $800 per month Audi Q2 na yun at naka 491 visa kaya mejo maiksi ang duration ng bayaran. Tapos nyan ipa-car finance mo, samin naka Angle Car Finance kami.
LASTLY Remitly eto download nyo kung gusto nyo magpadala sa pinas.
Sana nakatulong ako. Kung may tanong kayo ppwede nyo ako iPM para sa mga konting tips 😂