@lydelmp said:
Hello good day po! Pwede po ba ako makahingi ng help po regarding sa aims assessment? With regards po sa course description/syllabus, yung nakuha ko kasi po sa school is 12 pages na course description pero sa lahat ng subjects po (major and minor may mga religion at pe pa haha) tapos sobrang ikli po parang brief summary lang ng each course. Pinagbayad po nila ako kahit na sabi ko na major subjects lang dapat. Sabi nila if kukuha ng bago magbabayad uli kaya hingi sana ako po tips galing sainyo para maiwasan ko na gumastos uli po at sobrang tagal din kasi mag release ng documents po ng school ko hehe Tanong ko lang po sa mga nakapag pa assess na po, if anong specific subjects po ang hihingan and gaano ka detailed po ba yung syllabus? Alam ko po nandoon sya sa pdf sa aims website pero di ko alam if pati yung mga chemistry po or into to medtech isasama pa ba? Maraming salamat po!! God bless po π
Yung sa akin po, lahat ng chemistry (from general - organic - inorganic - biochem until major clinical chem) intro to medtech, tapos lahat na ng mga major. Ganun din po ang course description na nakuha ko sa school, yung iba po sentence lang, positive assessment naman po