@Dalex yung akin po Pinadala ko na 1 day before ako mag bayad for assessment. Parang kunwari monday ko sya pinadala po via DHL then tuesday ako nag bayad (online payment) at nag email ng requirements.
Yung TOR ko pala po ang ginawa ng school is signed, sealed and stamped. Tapos binigay nila sakin ako na daw mag mail. DHL po courier na ginamit ko around 1600-1700 ata yung bayad po pero di lalagpas sa 2000 pesos. 10 days daw po yun in transit sabi ng DHL. (yung sa sender po name ko nilagay ko pero pinalitan ni DHL dapat daw yung name ng school ang nakalagay as sender)
Payslips po, since sa government ako nagwowork, iba iba po position ko (contractual, casual, permanent) pero isang employer lang. So nilagay ko yun sa COE po and ang nirequest ko is yung first and recent payslip ko kasi yun po ang needed ng aims sabi sa guidelines. (And iba iba nga po designation ko so nagsend na din ako one payslip for each designation since iba iba salary ko po pero medtech naman yung item) then nagsend din ako secondary documents yung contracts. optional naman po ito sabi sa guidelines pero sinend ko nalang din po since meron naman ako copy ng contracts ko and appointments. Sa payslip is pasign and stamp mo po if pwede CTC sa HR officer nyo. May iba options po sa evidence of paid work pero yung payslip kasi pinaka accessible sakin. Nag try ako humingi ng bank statement sa landbank na may name ng employer, hindi sila nagrerelease po so payslip nalang talaga. Sinikap ko mangulit sa HR po. God bless po!! Tanong ka lang po if may kailangan ka.