Sa mga magttake ng March exam, please study really well. Parang di na effective recalls talaga. Kahit yung new recalls nung last batch mga 5% na lang lumabas. Tapos parang in a different way na and masasabi mo talaga na hindi na recalls yung key to success kasi madami na sila time maghanap ng questionss sa iba.
histo, 3-4 yung questions na may pictures tapos may question din kung san nakikita yung fiber na I’ve never heard ever. Huhu. Histo pa lang tagilid na as in. Parang waleyy recalls na lumabas diteyy 🙁
hema, need mo alam ang panels of diseases, more on case studies na associated sa mga sakit evaluate mo base sa mcv, mch tapos mga abbreviated na test panels yung andun. Basta dapat connected sa utak mo lahat. May recalls pero 1-2 lang ata huhu.
Cc, last batch nag focus daw sa instrumentation, ngayong batch jusko inaabangan ko instrumentation pero gusto nila endocrinology tapos mga trace metals. Hirap beshy. Kala ko tatanong ulit yung renal physio, beshy, waleyy.
Bb, other blood groups pero mga may pa twist sila, hindi direct yung pagtatanong. May foward and reverse typing with discrepancy. Tapos may mga tanong na if nagbasa ka ng anzsbt mismo, masasagot mo.
Bacte, ito na pinakamadali sa lahat. Like pinaka direct na mga questions. Mga must knows. Pero broad type of questions. Sino yung mga not anaerobes parang mga ganon.
Genome, polansky is the key feel ko. Pampahila ng score.
Sero, I just can’t din. Sa sobrang nakakaloka din konti lang natandaan ko recalls. Mga hypersensitivity ng MTB, toll like receptors, TH1, TH2 (nung nag review kasi medyo sinasantabi to kasama ng genome kasi di naka * sa dapat ipasa)
May ilan po ako recalls. Magpapahinga lang ng konti tapos ayusin ko din para mashare. Sa ngayon kasi ayaw ko pa isipin ng ayos kasi may mga narerealize na ay dapat iba pala sagot. Depressing. Hahahaha. Alam niyo yung feeling na dasal at himala na lang ang magagawa pero alam niyo din sa sarili niyo na parang magreretake ulit kayo? Haha. Ganon yung feeling. Anywayssss, goodluck and cheers kasi atleast tapos na ✨