@johanncedrick and @mauriceserrano try to backread this thread po. Naitanong na po sa previous pages yung ibang mga tanong nio.
Regarding sa Visa 190, nasagot na un sa previous posts, pero i-try kong i-klaro kung naguguluhan kayo regarding this visa.
After assessment ng AIMS as Med Lab Technician pwede ka nang mag-apply for State Sponsorship (Visa 190) as MLT. Pero ang usually na ngo-open na State for MLT is South Australia. Halos na-meet na ang quota for this State sa year 2014-2015 kaya under special conditions ang MLT. Every July nagrerefresh ng quota, pero hindi natin alam kung kasama ang MLT this coming July. All you have to do is wait until July 1, pag nakita nio na open pasa kayo agad ng application. Iprepare nio na yung EOI nio and save as draft para derecho pasa na lang pag nag-open kse mabilis maubos ang slots.
You need to wait for the result of the exam before ka mg-apply ng kahit anong visa as Med Lab Scientist. Merong States na ngsponsor ng Med Lab Scientist for Visa 190. Naipost ko na dito ang link ng possible States na pwedeng applyan sa Visa 190 both as MLT at MLS. Mas maraming States ang open for MLS sa Visa 190 at iba't iba ang requirements nila. Pakibasa po ang previous pages ng thread na ito para mahanap nio ung link.
Regarding sa reviewers for AIMS exam. Naitanong ko na cia before at may mga sumagot sa previous pages ng thread na to. Pakihanap na lang po. Walang isang reviewer na pwedeng gamitin. You have to use multiple sources and focus lang sa topics na binigay nila na Scope ng exam. What I can suggest is study per topic. Type the topic in google and youtube, madami na kaung makikitang sources.
Good luck.