@raspberry0707 thanks so much sa info! Very helpful as in! Pwede na kaya mag download nung form 80? San un nakikita sa immi website? Meron ba dun? Para sana matingnan ko na if pano un ififill up later on para consistent ako sa mga declarations ko. Tama ka, dpat consistent para di din confusing sa part nila.
Ang nangyari kc sakin, 2004-2011 working medtech ako dto sa abu dhabi. Then 2011-2012 (which is 8 months lang), nagwork din ako dto as lab coordinator kaso nga di ako bigyan ng COE since di umabot ng 1 yr ang service ko. Then 2012 umuwi ako sa pinas at nag masters (masters of science in public health (Microbiology)). Jan 8 2016 ako gumraduate since may thesis kc at hirap madaliin. Pero in between that actually (mid 2014-mid2015) nag pahinga din ako kc nabuntis at nanganak. So basically, nag stop ang employment ko 2012 pa. Now, still unemployed at mahirap na maghanap ng work dto sa Abu dhabi. Bale fulltime wife & mom ako now. Pero plan ko na talaga uwi muna kmi ni baby sa Pinas this coming March para maayos papers for assessment sa AIMS, plus mag aapply ako ng work pra actively working as medtech ako ifever makapag lodge ng application for Aussie visa.
Sensya na sa napaka habang talambuhay. Hehe. Para din maintindihan mo ung situation ko, at baka may additional info pa akong makuha sa inyo na makatulong. Iniisip ko kc, magpasa lang ako ng mga needed documents for AIMS assessment and then will hope na sana mainvite nalang to sit for the exam. & from there, i think tuloy tuloy na yan...one at a time.
Since kasama mo c hubby sa application mo & permanent resident narin sya, during application nyo, hiningiin din ba sya ng ielts? Kc dba parang may contribution din ang spouses sa point system...? Tapos, nakapag entry narin ba sya jan sa Australia? Or di pa? Kc ung hubby ko, iniisip nya na ifever daw later on na ma grant na visa, ako muna daw pasok australia tpos saka na daw sya & baby sumunod pag may stable work na ako. Kc sayang din daw na bitawan nya ung stable job nya dto sa UAE while di pa ako stable sa Australia ifever. At least daw may isang may stable income.
Hoping to hear from you again! Thanks much in advance...