@vangie @raspberry0707
Sa New Zealand kasi merong tinatawag na Health Practitioners Competence Assurance Act 2003, dito nakasaad kung aling health professions ang regulated at kailangan ng registration. Kasama 'yung MLS and MLT diyan under ng Medical Science Council of NZ. Meron ding ganyan ang Australia surely, unsure ako sa tawag (kaya may AHPRA et al for nurses, physios, midwives, etc), pero hindi kasama ang MLS and MLT diyan... kaya kung mapapansin niyo minsan iba iba ang tawag sa job titles diyan. Scientific Officer karamihan ata. Sa NZ 'di pwedeng may variations sa tawag sa'yo kasi regulated profession 'yun. Pwede mo lang kabitan ng specialisation mo...
Sabi rin mismo sa guidelines ng AIMS sa page 2, https://www.aims.org.au/documents/item/88 - "There is no statutory registration of Medical Laboratory Scientists in Australia." AIMS is not a regulatory body, it's a professional body---parang PAMET lang. Just so happened na sila 'yung pinaka-qualified mag-assess ng qualifications ng overseas-trained medical science professionals. So hindi considered na registration ang assessment ng AIMS. Pang migration purposes lang talaga siya. π
Kaya hindi rin covered ng Trans-Tasman Mutual Recognition Arrangement 'yung profession na ito kasi hindi kailangan ng registration sa Australia... If Australian graduate, walang qualification restriction na dapat bachelors in MLS lang ang qualification mo to work as MLS... sa NZ, titingnan talaga nila kung swak ba 'yung inaral mo at experience mo (kung hindi MLS ang degree) tulad ng nangyari kay @raspberry0707 di ba? Prove talaga ng bongga. Kung pwedeng mag claim ng equivalence sa TTMRA dapat may standard qualifications to be in the profession and regulatory body for occupational registration 'yung both countries... π
Kaya kung nasa field kang ito at gusto mong lumipat sa NZ... panibagong assessment na naman =) Although kung from NZ to OZ, may strong bearing yung registration ng NZ kase legit eh, may reg cert and practising cert (renewable annually)! π
Regulatory bodies have the right to suspend your fitness to practise if may nagawa kang grave offence. They also can require CPDs (ahem PRC) π Australia doesn't have that for medical science professionals...
And one year lang (full time) 'yung graduate degree to become an MLS sa NZ. Baka umabot ng 2 years if part-time. Walang exam. Kailangan mo lang i-prove na at least 2 years ka na practising as MLT in an ISO 15189 accredited diagnostic medical laboratory in NZ post-enrollment ng degree.
http://www.mscouncil.org.nz/for-practitioners/change-my-scope-of-practice/graduate-diploma-in-science-qualification-programme/