Hi guys...
Gusto ko lng ishare ang pinagdaanan ko sa application from AIMS to Visa grant. Malaki kc naitulong talaga ng forum na ito hindi lang siguro saken kundi sa iba pa. Sa mga nag sisimula pa lng ng application nila o sa mga on progress na ipagpatuloy nyo lng yan.. ipursue nyo kung anu yung mga goals nyo. Yung saken kc masasabi kong 3 years in the making bago ko makuha yung pinakahihintay ko na visa grant. Year 2014 pa nag start na ko mag plan and then mag take ng IELTS sabi ko dati mag try lng ako wla nman masama. Plan ko nung una sa America mag migrate since may ascpi na ako. Kaso hndi ko makuha yung 7 score sa speaking. Plaging sa speaking ako sumasabit. Pag hndi 6 eh 6.5 ang nakukuha ko which is hndi pwede pra makapag start for visa screening. Naka 6 takes ako hndi ko pa rn cya sinukuan hanggang sa nawalan na ko ng pag-asa. Buti na lng may kaibigan ako na nag sabi sken na itry ko nman ang Australia. Ayun pasok nman ang IELTS ko pra makapag exam ng AIMS kc total band score lng nman ang mahalaga sa knila na dpat maka 7 ka. Kaya nag file na ko for exam. November 2015 positive ang assessment pwede ako mag take ng exam. March 2016 nag exam ako sa dubai but failed yung exam ko. Then nag file pa rn ako for second take september 2016 nag exam ulet ako pro unfortunately bagsak na nman ako. That time pinanghihinaan na ko ng loob kc malaki na ang nagagastos ko pra sa exam lng tapos hotel, visa and travel ticket at allowance ko pa. Gusto ko na sana sumuko lalu na mag 33 na ko lalu pa bababa ang points ko sa age kya lalu ako mahihirapan makapag apply sa visa. Kaya sabi ko migration na lng khit anung pathway or khit hndi na sa linya ko maging work ko dun. At sa biyaya ng Diyos biglang sabi ng agency ko open dw ang queensland for labtech thru State Nomination. Kya hndi na ko nag dalawang isip pa grab ko na yung chance. Nag submit ako ng EOI agad. Sakto ng submission ko biglang naglabas ng news ang queensland sa website nla na closed na dw ang occupation ko waaahhh kya kinabahan ako, pro sa biyaya ng Panginoon umabot pla ako at nakareceived ako ng Invitation to Apply nung November 2016. Sakto nman pabakasyon ako sa pinas kya nakuha ko dn lahat ng required documents for visa application. Nag decide dn pla ako ulet mag take ng AIMS for the last time pumasa man o hndi ok lng yun ang mindset ko. February 2017 nag lodged na ko for visa. Then March 2017 nag exam ulet ako ng AIMS. After 3rd take May 2017 finally Medical Scientist na dn ako. Sabi ko visa na lng ang kulang. Dumating ang june lumipas ang july sumapit ang august wla pa rn akong visa. Pinanghihinaan na ko ng loob sabi ko baka hndi para sken ito kc yung mga kasabay ko mag lodge ng visa 1 month or 2 months pa lng visa granted na sila. At after lahat ng effort at panalangin nag bunga na dn lahat. September 11, 2017 na grant na dn ang visa ko thank you LORD.
Sana maencourage at mainspire kayo sa timeline ng application ko..
Faith, prayers, patience, persiverance at goals lng tlaga. Hndi ako matalino at magaling dpat matiyaga lng hahaha.
Maraming salamat kay mam @bhelle_mt02 na nag start ng thread pra sa AIMS kay mam @raspberry0707 mam @ska1119 at mam @vangie at sa lahat pa ng mga members na nagbigay at nagbibigay ng mga inputs, recalls at tips para sa lahat. Maraming maraming salamat. God Bless us all :-)