<blockquote rel="thegreatiam15">Mga sir bago lang po ako sa forum thread...
andami ko po questions so sana po maintindihan nila since plan ko na talaga pero January ako inabot kasi december nagaalangan pa ako
eto na po yung currently meron ako
Skills assessment:
wala pa kasi hindi ko alam papaano babayaran to at the same time papaano ba gumagana to?...
Degree: architecture 4-5 years exp
IELTS on feb 1st
Processing wala pa rin kasi wala pa ako nung mga above requirements...question once yung above requirements ok na...
magtutuloy na po ba yung EOI skill select?if magtuloy magkano overall babayarn mga sir?
andito po ako SG
subclass 189 din po ako
maraming salamat
</blockquote>
Hi @thegreatiam15, welcome to pinoyau. I will try to answer most of your questions kasi parang nakikita kong magiging similar ang path natin.
First, skills assessment (VETASSESS), pareho tayong Archi grad, kaya lang ang linya ko kasi ay civil/ structural drafting kaya civil eng'g draftsperson ang pinaassess ko. Nabanggit mo ata na Civil eng’g draftsperson din ang plano mong i-nominate na occupation so kelangan ang work mo ngayon or past experience mo ay Civil draftsperson din, otherwise medyo magkakaron ng conflict kung un ang ino-nominate mong occupation pero currently working as arch’l draftsperson ka. Kung archi naman ang ipapaassess mo, wala rin po problema, kaya lang very limited na ang hiring sa Australia at kelangan mo din ng state sponsorship for that. Mas maganda kung civil draftsperson ang work kasi halos lahat ng state sa Australia ay open ang occupation na ito, unlike Archi. draftsperson na dalawang state na lang ata ang open (ACT & NT).
Secondly, paano po ang proseso ng Vetassess? Check their website at andun na rin pati lahat nang kelangang requirements at kung papaano babayaran. Meron din po thread for VETASSESS here sa pinoyau.
Once kumpleto na ang requirements mo at certified na lahat ng documents, ipadala mo through singpost. Pero kelangan mo pa rin magapply ng application through online sa vetassess.
Meron po separate thread for IELTS here in pinoyau.
Meron din po separate thread for EOI skill select. Kelangan meron na results ang skills assessment mo at IELTS bago ka makapaglodge sa EOI skill select. Ang payment ay mangyayari lang once nainvite ka na to lodge a visa at nakapagpasa ng application.
Good luck and God bless on your application.