Hi @Umbenieyon, nirefer din po si wifey sa Ermita for cardio evaluation. Pagdating dun meron nga raw po mahinang murmor na naririnig at inadvice naman sya to undergo 2D echo with Doppler. Ito ang nakakainis, nagrefer ang St. Lukes BGC sa Ermita for additional check without anticipating na if ever may additional checks pa nga na kelangan like this one, eh babalik din ulit sa kanila kasi walang 2D echo sa Ermita. Sobrang hassle, even though hotel-like ung facilities nila sa BGC, pero cardio lang, wala sila kahit isa. Pambihira. Since kulang na kami sa oras, nagdecide na lang kami na dito sa SG magundergo ng add'l check si wifey. Nakakastress talaga ang services sa Pinas lalo na kung matagal ka nang nasanay sa smooth sailing na pagpprocess ng kung ano2 sa ibang bansa like SG.
Anyway, hopefully mabilis na lang marelease ang result ng additional check up ni wifey dito para maipadala kaagad sa Pinas. Yun na lang ang kulang namin pero oks lang, wala pa naman kaming CO. At sana lang din, stress nga lang talaga si misis kaya meron naririnig sa heart nya. Inadvice sya na magpahinga ng mabuti at uminom ng fresh pineapple juice before she go for 2D echo test.
We're still continuously praying for everything.