Makiki dagdag lang ng sentimyento.
May pitong taon na ako dito sa taiwan, at tulad ng iba, nung una, nanibago ako. Iba ang lenguahe e. Pero nakita ko kung gano kaayos dito. Nakita ko kung pano gumalaw yung gobyerno, yung maayos na health care system at naaawa ako sa pinas.
Ika nga, ang Pilipinas, survivor yan. Kahit na anong ihagis mo sa pinoy, kakayanin at kakayanin nya yan at tuloy tuloy lang. Yan ang maganda sa pinas. Pero dahil nga survivor, lahat ng mali, tinatanggap pa din. Hindi umuunlad. Hindi umuusad.
Sa katunayan, ang pananaw ng HSBC sa pinas, maganda. Matapos daw ang 50 taon, magiging isang mayamang bansa ang pinas. Kasi nga daw, madaming tao, di tulad sa ibang bansa na paunti na ng paunti ang mga tao.
Pero di kami tugma ng Pinas. Ang personalidad ko at ang pinas, ay hindi nagtutugma. Magkaiba kami ng personalidad. Mahal at kinikilala ko pa ding pinoy ako, pero di kami sang ayon ng pananaw.
Kaya kakailanganin kong lumipat. Para makapunta ako sa bansang makakatugma ko ang pananaw. Maayos ang healthcare, maayos ang pension, at bibigyan ako ng kapasidad na makabili ng sarili kong bahay.
Yun lang po.