@nfronda at sa iba po na may maisshare din na feedback
Hello po, question lang po. Wala pa naman po kaming visa pero iask ko na lang po para maiplano na agad.
Kunwari po ba nabigyan ng 1yr tourist visa ang parents, pwede po ba silang mag apply ulit after maexpire? Naisip ko lang po kasi baka magtanong yung officer kung bakit babalik na naman sila? or wala po issue sa kanila yun. Baka po may maishare kayo na same scenario.
May 2yo po kasi kami if ever matutuloy dyan sa oz. Nag check kami ng sponsorship for parents kaso kailangan pumasa sa family test po ata yun (dapat majority ng anak ay nasa oz?). Ang option na nakikita namin ay tourist visa, then pag nagschool sya saka namin ilalagay sa daycare.
Maraming salamat po in advance! Pasensya na po masyado lang akong advance mag isip, para lang may plan B in case di pwede. 🙂