<blockquote rel="kadie">Hello! Ask ko lang kung meron dito na nag initial entry lang then back to country of origin. Ginawa po ba ninyo yung mga MUST do after arrival like TFN applic, Medicare, Open bank acct. register with centrelink etc?
Initial entry lang kasi kami ng family ko (two weeks stay at relatives in Sydney) then back to UAE.
Ano po ba mga advice/suggestions? And more or less magkano yung pocket money for City Sight Seeing, Tarongga Zoo, Blue mountain? Buy pasalubongs. Although may idea ako ng konti para lang maiconfirm ko kung tama nga ung idea ko.
Thank you 🙂 </blockquote>
Go to the nearest Centrelink and you can do your Medicare, don't forget to bring your Passport and Grant Notice (if in case hanapin), don't forget your address nung relative nyo na titirhan nyo, dyan po kasi imamail yung medicare card nyo. Mabilis lang po yung process at di nyo kailangan magantay ng matagal (agahan nyo din ang punta).
Kung Family po kayo with Kids, hahanapan po kayo ng bank account kung saan pupunta ang support for the kids, so sabihin nyo ibabalik nyo na lang yung bank account after nyo mag open, siguraduhin nyo na malapit yung bank nyo sa centrelink, usually meron malapit na bank sa centrelink.
Ngayon, bakit po pinauna ko yung centrelink kaysa sa pag oopen ng bank account? sa Bank account po kasi kailangan ng address nyo at 2 valid IDs, 1 is passport and the other one yung medicare nyo na printed like a receipt pede na po sya as ID. Kung NAB mag ask sila ng initial deposit 50$ will do, so kung dalawa kayo mag open ng account so 50$ ea. Don't forget to ask for your bank statement na meron address nyo per account. dun din po sa address nyo imamail yung bank docs kung meron man.
TFN, punta po kayo sa pinaka malapit na post office para sa TFN Nyo. Before going sa post office, dapat naka pag online registration na kayo and na print nyo yung document na kailangan nyo dalin for your TFN. Bring your passport, your medicare at yung bank statement na meron address nyo, saka yung form na printed from TFN. I mamail din po
yun sa address na ginamit nyo.
Kung may problem sa printing at photo copy, or wifi access go to the nearest Library ;-)
Might as well magpamember na din kayo sa pinaka malapit na library, malaking tulong po sya.
Pocket Money, 65$ per head para sa 1 week multipass up to zone 3. 40$ (ata, limot ko na hehehe) Entrance sa zoo, 20$ train fare to BlueMountain kung mag commute lang, 75$++ tour sa Blue Mountains incl na yung mga rides hehehehe, all per head po. iba price ng kids.
City Tour, since meron kana multipass maiikot mo na sya ;-) within zone 3 attractions lang po ah, yung mga entrance kayo na bahala hehehehe like kung papasok kayo ng opera house, kung papanik kayo dun sa Sydney tower, kung papasok kayo ng luna park, try nyo ang ferry routes masaya sya ;-) meron featherdale zoo malapait sa Mt Druit, okay din sya pasyalan. Then mga parks, sobrang dami parks hehehehe.