Yes @Umbenieyon, I arrived last Friday. Baka hanggang May lang ako dito, hiniram ako ng company namin dito sa Perth. By April susunod na dito ang mag-ina ko.
Medyo nakakalungkot sa una dito sa Perth pero nasasanay na rin ako kahit papano. Ibang iba kasi ang environment compared to SG na sobrang dami ng tao. Tahimik dito lalo na kapag weekend. Pero nakakatuwa sa work dahil para kang nauubusan ng laway sa umaga pagpasok. Lahat nang makasalubong mo babatiin ka at makikipagkwentuhan. Mababait nman mga tao dito di katulad sa SG na snaban. Sobrang mahal ng mga bilihin dito sa Perth. Kung x2 or x3 ang presyo ng PH to SG, dito naman x3 or x4 naman ng mga presyo SG to AU. Kaya mas maganda magbaon ng lunch sa work per meal dito ay $10 pataas. Pag Saturday, merong market sa Canning Vale, mura ang mga karne at fruits. Puro nga lang halos asian ang bumibili dun. Nung nagpunta kami, wala ako halos makitang puti. Hehehe..
Be ready lang sa paghahanap ng work pagdating dito. Mataas ang unemployment rate sa buong AU. Baka lalo na sa Brisbane kaya dapat marami na baon pagpunta nyo dito.
Good luck