share ko lang experience ko last week, kakauwi lang namin galing Pinas.
Yung isang checkin namin pinalagyan namin ng Fragile.
Nung hinihintay na namin yung bagahe namin sa conveyor, halos isang oras na wala pa.
Tapos hangang sa 3 na lang kaming natira na nag-aantay kaya kinausap ko sila.
Sabi ko wala rin bagahe nyo? (English syempre)
Wala rin daw tapos tinanong kung fragile ba baggage namin kasi sa kanila fragile daw.
Edi pareho kami ng mga baggage na fragile kaya nagtanong tanong yung isa sa mga staff dun sa airport.
Ayun, natagpuan ang baggage namin sa kabila, meron pala oversize and fragile baggage na conveyor.
Mukhang ang tagal na nakalagay dun lol
So next time kung may fragile kayo na baggage, iba ang conveyor nyo, well sa Sydney Airport to.
Para hindi masayang oras nyo gaya ng nangyari samen hahaha...