To those who will make their first rental like rental talaga with real estate agent na may inspection time pa. Be there on time. Speak with the real estate agent after the inspection time.
Sandali backgrounder muna. So syempre time to rent na kayo di ba some may be fortunate na kahit nasa ibang bansa pa e pagdating e ineentertain ng real estate agent kasi case to case basis yan. Kung sa malayo ba naman kayo mag rerent or yung rerentahan nyo e yun ang may need of course papayagan kayo magrent but they will ask you some personal info like are you working na ba? etc. Sa form mas maraming tanong like magkano ang pera nyo sa savings etc etc
Ang real estate agent usually maraming candidate na sila nagscreen. Paano ba nila niscreen yan of course yung may trabaho ang uunahin pero nasisilaw din sila sa kung magkano ang pera nyo na savings kasi kung kaya naman icover nun kahit isang taon na upa e basta for them e mababayaran sila.
Reason why I am telling na after inspection syempre marami yan e kausapin nyo dahil locals here e marunong umintindi ng situation but wag pang maala ala mo kaya ang drama. Pero wag din kayong magtataka o maooffend kung sasabihan kayo na iscreen pa nya ibang candidates. Hindi uso dito ang guarantor. Bawal yung iba ang magrerent para sa iyo.
Likewise, you have to know na marami kayong rights bilang renter. Covered kayo ng tenancy act ba yun.
Usually sublet yan yung madali o kaya lodger or boarders.
Pag sinabi sa ads kung magkano ang rentahan yun yun hindi nyo pwedeng sabihan ang real estate agent ng pwede tawad, not even sa mga fixed accommodations. Sublet pwede dahil syempre sila nagrerent lang but don't do that sa landlord na pwedeng kasama mo sa bahay kasi gusto mo bang sa una pa lang off na agad. Remember yung first few weeks or months nyo kayo ang makikisama at mag aadjust.
We are talking about first rental nyo dito.
To some usually nagbobook sila sa mga vacation home or holiday home kasi may weekly din yun plus mas malaki ang chance nyo dun. From there makakaestablish kayo ng records. If you have the monies, then book ka sa hotel.
Again, recommendation ko lang ha HOLIDAY HOME subukan nyo. It might be far but look for a holiday home na malapit sa train. Anyway, magaganda mga holiday home bakasyunista. Para pag nagrent ka na masasabi mo sa real estate agent na may record ka na nagbook ka nga ng # of weeks sa wherever man yan. Napakita mo na may capability to pay ka pala talaga.
To those na daratin na may work once napagsabak nyo sa office kausapin nyo agad boss nyo na naghahanap kayo ng rental kaya on and off kayo. Maiintindihan kayo baka nga kung kalian ng referee ibigay pa nya name nya.
Again sa walang work para makarent agad SAVINGS yung nakadeposit sa Australian Bank ang panglaban nyo
Sa may work, ang kalaban nyo lang talaga is mga inpection times na off sa oras so makiusap.