Hi mga kababayan,
May tanong po sana ang isang newbie.
Nag-submit po ako today ng application ko for Skilled 189 visa. Ilang beses ko pong chineck yung mga answers ko bago magsubmit kasi siyempre alam natin na mahigpit ang Australia sa false and misleading information. Tapos nung nagbayad na ako, at merong "view your application," binasa ko lang din po ulit. At napansin ko na may category na "Travel to Australia" (Have you previously traveled to Australia or applied for a visa?" at nakalagay "No"
Nagtravel na po ako sa Australia at nag-work ng 1.5 years 2012-2013 at hindi ko ito idedeny. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaligtaan ko 'to sa application at nailagay ko "No"! hindi ko talaga maalala na may ganung question? meron nga ba?
So inconsistent na nga po yung answers ko kasi sa Employment category, inenter ko yung work ko sa Oz. Yung have you lived in other countries, nilagay ko din Australia. 🙁
Kailangan ko po bang hintayin na magkaroon ng case officer para sabihan sila sa mistake na'to or dapat na ba ako mag-contact? At alam niyo po ba kung maaapektuhan nito ang pagkakaroon pa ng CO? ang takot ko po kasi, dahil sa misleading info baka di na ako bigyan ng CO? 🙁
Sorry po ha. Sana may makatulong. Thanks!! God bless.