<blockquote rel="rara_avis">@vhoythoy, update lang kita. Kadadating lang namin last saturday from Sydney. Yung hotel na tinuluyan namin is okay na and comfortable in my opinion if you are not very fussy. Very basic lang ang features, one queen size bed, tv with local channels, a small desk on the side, a small bathroom na ang division lang ng shower and toilet bowl is a curtain. Walang bathtub, ang hirap magpaligo ng bata 😃 Walang REF to put food on kaya everyday kami bumibili sa coles ng fresh milk for my son. If your baby is formula/breastfed this will not be a problem. No microwave din so buti na lang we bought sterilizing tablets to clean baby bottles. Wala ding closet to put your clothes on. Tapos yung ilalim ng bed medyo maalikabok so medyo sablay ng slight sa cleanliness.
BUT yung cons naman is outweighed ng PROS dahil sa convenience ng hotel location. Sobrang lapit sa Kings Cross Station and Coles and madaming pwedeng kainan sa paligid. If we want to go to the CBD, two train stops lang. Yung taxi fare namin inabot ng 45 AUD pero nung pabalik ng SG, nag-shuttle na lang kami, 12 AUD per adult, walang bayad sa bata. Note lang na ang Kings Cross is red-light district sa Sydney and may mga shady personalities sa paligid. A drunk old guy offered my husband to buy pot when he was smoking outside the hotel and madaming adult bars sa paligid ng kings cross station pero relatively safe naman ang area compared sa mga sleazy areas sa manila na parang any moment pwede ka malaslasan ng leeg, LOL!
Yung 500SGD namin kinulang around 1K SGD ang nagastos namin in 6 days aside sa initial gastos. Mahal to eat out in Sydney ha as compared to SG, a meal sa isang cafe na hindi upscale would cost you about 15-20 per meal, di pa kasama drinks. PERO ang laki ng serving nila, ang isang serving nila kasya na sa amin mag-asawa. Hindi sa OA pero malaki talaga ang serving sa Oz kaya pakainin ang dalawang asians.
Ayun, hope this helps!</blockquote>
Ah ok. salamat sa info, ano nga name ng hotel nyo? Magkano per day? kami baka mga 4 days lang. 3 kami pupunta hehe