jobseeker Mga kabayan ask ko lang sana kung may alam kayong work na puwede maaplayan. Yung tumatanggap ng Filipino. Isang buwan na kasi akong nag aapply pero negative pa rin. Bale Mechanical/Piping Engineer ako pero mailap ngayon ito sa WA kaya nag aapply ako ng kahit ano. Kung may mairerecomend sana kayo kahit anong work makapag umpisa lang. Sa isang buwan ko kasing pag aapply e walang nangyayari. Kumuha na din ho pala ako ng white card kala ko makakatulong pero wala din. Patulong naman ho. Thanks.
jobseeker Sinubukan ko na ho.. Pati yung dimensional checker nila kaso sabi ng nagreply sa akin inuuna daw nila yung mga citizens na nawalan ng work dati...
Allysond Tama k medyo mahirap nga daw ngaun ang trabaho s WA,...sana makahanap k n ng work, kaya mo yan wag k mawalan ng pagasa at mgpray k lang,,,
jobseeker Oo triny ko na din pero walang tumatawag. Isa ang seek.com sa mga pinaghahanapan ko. Ano ba yung work dito na madaling pasukan? Sa dami kasi ng pinasa kong application wala man lang tumawag kahit isa for interview... Madalas naman pag inopen ko net tapos may bagong ads pag tinawagan ko sinasabi nila may nakuha na daw sila samantalang yung date ng advertisement e yung araw din na yun...
Milkan brod di ko kasi alam ang preference mo sa work and another thing, usually kasi hinahanapan ng mga employers ngayon ng qualifications and/or experience. anyway, try mo kaya muna ung mga work na medyo mababa sa hinahanap mo (mech engr.). pwedeng technician or assistant or production workers. or sideline muna letter box delivery, or sa mga supermarkets.
jobseeker Actually yan na nga ang ginagawa ko. Pati nga cleaning job inaaplayan ko kaso la pa din. Pati Mechanical Fitter, Technician la pa din... Nagtry na din ako sa mga factory pero wala pa din... Sinubukan ko namang tawagan yung mga fabrication companies pero wala daw silang vacancies... Tingin mo ano kaya yung work dito sa Aus ang pinakadaling pasukan para don muna ako mag umpisa?
Milkan inaassume ko na yung "wala pa din" na sagot mo ay walang reply sa employer.possible na kelangan nila ng qualifications lalo na sa Fitter at Technician jobs. Try mo night filler sa supermarket. Sa cleaning job medyo may chance ka dyan, try mo bumili ng newspapers at tingin ka din sa job vacancies na naka advertised.
jobseeker Anong jaryo? Actually my mga pailan ilan akong phone interview (simula dumating ako 3 na isa kanina) pero lagi nilang tinatanong kung may experience ako dito pag sinabi kung kakarating ko pa lang negative na ang kakalabasan... hehehe
Milkan Sa newsagency meron silang ibat ibang dyaryo.Dito sa regional WA every wed and sat ang madaming ads sa trabaho..forklift ticket brod pwede din yan,pero dapat may local experience ka sa pag gamit nyan. Try lang ng try sa pag apply brod, wag mawalan ng pag asa. I refine mo din yung CV mo at highlight yung mga strong points mo para ma attract mga employers.
jobseeker Yun nga din ang ginagawa ko ngayon at plano ko pa ngang magtanong sana kung makakatulong ba talaga yung pagbabayad don sa mga gumagawa ng resume... Nakalagay kasi sa ADS nila na sure daw ang work pag nagpagawa ka sa kanila... Not so sure...
Milkan pwede din pagawa mo sa kanila kaso may professional fee mga yan. na try mo ba maghanap sa linkedin?
deppesteves @jobseeker we probably are in the same boat. Though ako mag 1 week pa lang with my family here. At puro sa seek lang ako submit ng CV ko. 2 weeks lang naman family ko dito and after that i will probably do what you have done so far in looking for a job. God willing bro makakakita din tayo. Keep the faith!
AJ0508 Mga kabayan.try and try lang sa pag apply at wag lang susuko.San ba at mkakahap din kyo ng work.GOD bless you.All the best!
raymundjubyOZ oo nga tyaga tyaga lang muna.. wag din masyado magrely sa seek madami din ibang website usually puro agents ang sa seek.. try to email each companies that interest you may mga career section sila or try to cold calling them. don't lose hope andito na tayo eh.. minsan sa dyaryo may mga free trainings din gaya ng warehousing/fork lift sabi nila ay boom ngayon compared to engineering/mining.. motivate yourself at samahan ng dasal! đŸ˜ƒ
engrjamescastro sa gumtree subukan mo ung part time jobs dun bro..meron dun mga direct advertisers..tawagan mo na para makuha mo agad ung trabaho..