<blockquote rel="vhoythoy">Ako definitely yes. I'm proud na pinanganak akong pinoy and na exposed sa kulturang pinoy. Iba pa rin talaga sa atin. Maraming bagay akong naexperienced sa pinas which makes me appreciate my life even more.
Lumaki ako sa isang lugar sa Dagat-dagatan Malabon na dikit2 ang bahay na halos kilala mo ang tao sa buong bloke nyo pati na sa ibang lugar. Na normal na ang bagyo at baha. Halos2 araw may pwedeng gawin at pagkalibangan. Nakakatuwang isipin ang hirap nuon pero simpleng bagay masaya na ako. Mula sa paginom ng coke na dapat hating kapatid kami at walang lamangan hanggang sa basketball sa tanghaling tapat para sa pusta na ice tubig. Yung paglalaro sa kalsada na butas ang sando at tsinelas, goma, text, syato, basketball, langit lupa, base 123, makipagsuntukan sa kalye sa simpleng asaran, dampa, tumbang preso, luksong baka, jolen, goma, teks, laro ng gagamba, salagubang, basketball sa poste ng meralco, swimming sa baha, habulan habang umuulan, bugtungan pag brown out, kwentuhan kakatakutan, manuod ng sine pag pasko, karaoke, manuod ng bold movies sa recto, bilyar, pusoy, tongits, pers di kara, mamasko sa ninong, putukan sa kalye, noche buena, media noche, fiesta, sa pagangkas sa likuran ng jeep, sa paminsan minsan pagtatago sa konduktor ng pnr train dahil walang pamasahe pagpasok sa eskuwelahan, etc. wow so many more and thats my childhood in the phillippines! Not perfect pero something that put smile on my face whenever naalala kong balikan ulit. Malaking bagay din yata na batang 80's/90's ako hehe.
Di ko maexperience yan kung pinanganak ako sa 1st world countries and sobrang pampered ang buhay ko.
Well, proud ako without much reservations. The reason is that maganda naman ang kultura natin lalo na kung ipopokus sa magagandang bagay. Although maraming pangit, maraming pasaway, maraming balita na nakakadismaya, pero dahil siguro bunga na din ng kahirapan at maraming mpagsamantalang kapwa natin pinoy. But i dont have any control sa mga taong nagpapangit sa imahe ng mga pinoy. Also, i can't please everybody and control they perceptions for thinking na panget, magulo at mahirap ang pinas, etc. At most, kaya ko lang kontrolin ang sarili ko at some extent yung pamilya ko na isabuhay ang magandang kulturang pinoy. </blockquote>
proud ako bilang Pinoy. at proud din ako kay vhoythoy ๐