Helo po. Hinge lang po sana ako ng advise sa inyo regarding my situation. Although in the end ako pa rin mag de-decide malaking tulong ang ma i share nyo. May doubt pa rin kasi sa isip ko eh.
To begin with, meron na ako visa pero temporary lang sya. Visa 475 Temporary Regional Sponsored, ngayun ata visa 489 na. Bale ang binigay sa akin ay 3 years after ng initial entry ko. I made my initial entry nung last May 2013 then stayed sa Australia until end of July. Nag apply ako dyan but sad to say wala ako nahanap kaya nag decide umuwe muna ako kasi 1st birthday din ng baby ko. Another unfortunate incident naman after ko umuwe eh na ospital mga anak ko so na deplete ang natitira ko na budget. Dahil wala ng budget diko na rin napag initial entry ang mag ina ko. Ngayun wala na silbi visa nila kasi di nga nakapag entry. So naghanap muna ako ng work sa ibang bansa at up to now work pa din ako dito para maka ipon ng pambaon ulit. Ngayun mag 1 year na nung nag entry ako e di pa rin ako nakaka balik sa aussie. Kailangan ko din na ma fullfill yung 2 years of residency sa regional area para maka pag apply ako ng PR. Now i think kulang nako sa oras at diko na ma fullfill yung mga requirement ng visa ko para maka apply ng PR visa.
Kung kayo nasa situation ko GO pa rin ba kayo kahit na kakapusin na kayo sa oras para ma fullfill yung requirement ng condition ng visa? Or mag re apply nalang ng panibagong visa na PR visa na agad.