Nung nasa area naman ako ng Westfield sa Sydney.. I was following traffic signs and road rules, tapos yung mga tao and tourist tawiran nang tawiran kahit Stop Pedestrian na.. sabi ko pa sa sarili ko, nakakainis naman ang taong walang disiplina ๐
Tapos pasyal-pasyal ako, pagkagaling ko ng Opera House, naglalakad-lakad lang ako nakarating ako doon sa road malapit sa State Library, marami uli pedestrians, then may parang island na maliit (yung nagsseparate sa mga car na nag-lleft turn), kahit red light na pumunta pa din ako doon sa island kasi tatlong hakbang lang naman sya from the sidewalk. Sabi ko pa, hmp pasaway naman din mga tao dito.
Then tumalikod ako, nagtataka ako, yung mga dating pasaway na pedestrian biglang hintuan lang sila doon sa gilid ng sidewalk naghihintay mag Green light, ako lang andun sa island.
Pagharap ko uli sa road, sakto may mobile ng police pala na nakahinto rin sa traffic light sa harap ko mismo. Napalunok na lang ako, buti hindi ako hinuli ng jaywalking ๐
Moral of the story, follow road rules and the law at all times, hindi lang para hindi mahuli, kundi para na rin sa safety natin ๐