One year po ang validity. 🙂 We just got the print out of our NBI clearance this afternoon.
Ok yung online appointment facility nila. I highly recommend it especially if malapit or kaya nyo naman pumunta sa main office nila sa UN Avenue, Taft. Currently kasi dun pa lang meron nun online facility. Ok din na dito kumuha ng NBI clearance if sa St. Luke's Extension Clinic (Bocobo, Ermita) kayo papamedical kasi walking distance lang to NBI office. Kaya ginawa namin morning yung medical namin then afternoon sa NBI naman.
Ang bilis namin natapos sa NBI last Thursday, 4pm yung booked appointment namin. We arrived there mga 3:40pm pero exactly 4pm tapos na kami. The hassle is hindi agad namin nakuha yung printout. We had to go back after 3 working days pa which is today. I just authorized my husband to claim it on my behalf since mas malapit office nya dun. Nun nagpunta sya this afternoon, dumiretso sya sa Releasing Section kasi yun ang nakalagay dun sa receipt namin. Pero sinabi sa kanya nung teller na sa Quality Control (QC) daw muna kasi may hit pareho name namin. He went through a short interview and pina-sign sya ng Affidavit of Denial or yung sworn statement na hindi siya yung may criminal record. I was required to do the same kaya sinabi nung NBI officer kay hubby na kelangan ko daw ng personal appearance kaya tinawagan nya ko na kelangan ko daw pumunta bukas. Anyway, after sa QC, sa Releasing Section na ulit siya pinapunta but this time, hubby approached a different teller and pareho nya naiabot yung receipt namin. Naprint yung NBI nya and what's weird is na-print na din yung sakin and it says "no record on file". Kaya at this moment, I'm thinking if I still need to make a personal appearance to sign the Affidavit of Denial.
Anyway, if you will opt for the online appointment, simply follow the instruction here: http://www.nbi.gov.ph/online_application.html Tips ko:
Pag nagbayad kayo through Globe Payment Center, keep the receipt. Hindi yun nakalagay dun sa instruction pero hiningi nila samin. Buti na lang dala ko yun. If GCash naman ang payment, do not delete the SMS acknowledgment baka yun naman ang hingin nila.
Pa-book kayo ng mid to end of the week na and late afternoon na. Wala na masyadong mga applicants, nag-uwian na din mga NBI officers. Haha! Joke lang. 🙂