KTP, depende sa occupation mo. Kapag ICT, mahigpit ang victoria dapat may experience ka sa banking. Last year, marami kaming nag-apply na pinoy sa Victoria, pero 1 lang ang natanggap. Ang processing ay inabot ng 6 months, pinaasa kami tapos halos lahat pala kami mare-reject.
Ang technique dyan, kapag nag-apply ka sa Victoria, mag-apply ka rin sa ibang states. Hindi totoo yung dapat may commitment ka na isang state lang ang dapat applyan mo para ma-aprub ka. Yung iba dito sabay-sabay nag-apply sa mga states, sabay-sabay rin na-aprub.
Sa case ko, 6 na buwan ako ng naghintay sa Victoria, therefore 6 na buwan din ang nasayang. Sabi sa british forum, hindi raw ako pwedeng mag-apply sa ibang states kasi may pending raw akong application sa Victoria. Yun ang pagkakamali ko, naniwala ako sa kanila. Nang dumating ang result ng Victoria, DENIED ako, kesyo ang occupation ko raw is no longer employable. Then nung mag-try na ko in other states, closed na lahat ang ICT application. Kaya ayun napasubo ako sa 175 dahil desperado na ako. Anyway ok lang kasi na-aprub naman ako at napaganda pa ang visa ko hehehe.
Ang advice ko sa inyo GO, applyan nyo ang lahat ng states, para kung ma-reject man kau ng isa, may chance pa kayo sa iba.