@hotshot
Mag-email ka na lang po sa kanila and ask for a receipt. Wala naman problem yun hindi sila maiinis, by the way nagreply na sila sa akin. Senior officer un nagreply hindi yun officer na sumagot ng queries ko and nagbigay ng wrong info about Bachelor's Degree qualification. Sabi niya ayun nga they want to apologize for any inconvenience caused, hindi nga daw na-take into account sa sagot nila yun question ko about AQF Degree. Sabi ko suggestion update nila yun website nila para sabihin AQF ang requirement na qualification. Kasi sa DIAC naman naka-indicate eh. Sa kanila hindi kaya confusing.
Anyway sabi nga ng friend ko dito sa forum nun magkausap kami, you won't know til you try. Mas okay na yun you tried and failed, kaysa naman sa future iniisip mo what could have been. Think positive lang po, AQF degree naman assessment sayo. Okay na yan. Latest na nyan last week of April or 1st week ng May meron ka na matatanggap sa mail mo na result letter na positive. ๐