Kami ng pamilya ko ay magsisimula pa lang ng buhay dito sa Australia. Mapalad ako at nabigyan ng chance na maranasan ang buhay dito na wala kaming pinoproblema sa gastos sa bahay at ibang mga expenses. Hiniram ako ng Perth office namin for a short term assignment at lahat sagot nila pati accommodation and allowances. Wala pa akong masyadong maisshare sa buhay dito sa Australia, though isang medyo di ok ay ang sobrang napakamahal na pamumuhay dito. Kaya isang maipapayo ko sa mga papunta pa lang ay siguraduhing may enough baon talaga dahil napakahirap kung mapapasubo kayo dito. Wag na wag ninyo mamaliitin yung mga sinasabing kelangan meron kayong enough resources that will support your stay for up to 3-6months dahil totoo po iyon lalo na kung wala kayong kaibigan o kamag-anak na malalapitan dito. Ang pamasahe ay sobrang napakamahal. Ang $10sgd ko ay ilang byahe na sa Singapore, pero ang $10aud dito ay isang balikan lang halos. Good thing is, me and my family are staying in an apartment inside Perth CBD, at libre lahat ng pamasahe dito basta within Free Transit Zone (FTA).
Di maganda ang takbo ng economy ng Australia ngayon kaya madaming mga jobless. Madaming Filipinos din ang napipilitang umuwi (esp 457 visa holders) dahil nahihirapang makahanap ng trabaho. Kahit yung boss ko dito naikwento sakin na parang may order ata ang government sa mga employers na unahin muna i-hire ang mga locals na walang trabaho bago maghire ng foreigners. Katulad lang din ng nangyayari ngayon sa Singapore. Medyo scary yun dahil kapag di magiimprove ang economy ng AU, baka mahirapan na rin kami maghanap ng trabaho kapag magdecide na kami ng final move dito.
Bago pa lang kami dito kaya parang ramdam ko pa ang lungkot. Dito ko narealized ang importance of having your own vehicle dahil limited lang din ang mapupuntahan mo kung magcommute. Kapag weekend, wala halos tao sa CBD area, andun sila lahat nag out-of-town. Hahaha… Maayos na rin naman ang mode of transportation dito sa city area, pero kapag nasa suburb na, medyo mahirap na ang magcommute. Hindi katulad sa SG na kahit sa kasuluk-sulukan ay di ka mahihirapan sa pagsakay2.
Ang isang nakakatuwa dito ay mababait ang mga locals. Sa office namin, matutuyo ang laway mo dahil bawat makasalubong ay makikipagkwentuhan. Maghanda ka na ng kwento mo every Monday dahil siguradong tatanungin ka kung ano ginawa mo ng weekend. Isa sa mga inaalala ko noon ay mataas daw ang rate ng discrimination dito. Pero mukhang hindi ata totoo yun dahil sila ang mga taong nakita kong pinakamababait sa tanang buhay ko. Well.. nasasabi ko ito dahil dko pa naeexperience ang mabully ng local. Sa Singapore, walang pansinan ang mga tao dun kahit nagbabanggaan na kayo. Kapag may makasalubong ka sa opisina, yuyuko na lang para di kayo magkausap. Dito sa AU, ibang iba ang culture nila. Dito, pagsasakay ka ng bus, babatiin ka kaagad ng driver, pagbaba naman magtthank you ka at sasagot sila ng “No worries, good day, or good night.” Nakakatuwa lang talaga..