<blockquote rel="viperregs">Good day po mga kababayan! Itatanong ko lng po sana kung paano ba ang proseso dito sa down under about sa pagshift to local meds for a pre-existing health conditions like hypertension. My mga "maintenance meds" po kasi ako and since ngmigrate na kami dito, i'm not sure panu ko ba itutuloy ito? Pupunta lng ba ako sa GP tapos si GP na ang bahala mgrefer sa kin sa isang specialist? </blockquote>
Punta kayo sa GP para sila ang magbibigay sa inyo ng reseta o kaya sila gagawa ng referral letter sa public hospital. Mas mabuting maghanap ng bulk billing na GP para libre or less fees sa susunod na checkup.
ito ibig sabihin ng Bulk billing Doctor Link: http://www.britzinoz.com/bulk-billing-doctors-in-australia
Kapag pumunta ka ng private GP. Ang regular fee is $80 to$85. 50% ang babayaran ng govt while yung kalahati ikaw ang magbabayad. Pero kung na tyempuhan mo na may bulk billing Doctor na malapit sa inyo. Mas okay laking tipid yun. Use google search to find bulk billing Doctors.