good day everyone! i have questions. sana masagot po nung kung sino man ang may alam ASAP.
August pa sana ang plano kong initial entry sa Australia, kaso there's an unfortunate turn of events. my father, who is in Perth on a tourist visa, was rushed to the hospital, ipapasok na daw ng ICU.
balak ko umattend na bukas ng PDOS sa cebu, at lumipad between Wednesday and Friday (June 13 to 15).
question number 1: posible ba tong plan? i mean, wala bang required number of days na kailangan hintayin from the time matatakan ang passport ko ng CFO?
pumunta nako sa Bureau of Immi Manila 2 weeks ago para ibigay ang clearance from DOST. since wala pa ako visa that time, wala ako flight details na maibigay nung tinanong nila, so pinabalik ako after 3 days to check kung ok na ang DOST clearance na ni-submit ko. i thought it wasnt necessary to come back dahil feeling ko confirmation lang naman yon, and i had to go back immediately to Mindanao the next day, so di nako bumalik ng intramuros. tinanong ko kung pwede by phone, di daw, personal daw dapat. so dedma.
question 2: necessary step ba yung pagbalik ko ng BI? meron bang mga fees, travel clearance, etc. na kailangang i-apply pa sa BI? or good to go na yon? kung kelangan talaga baka pwede sa BI Cebu nalang din ako pumunta. ano po experience nung mga nakaalis na for their initial entry? wala bang hihingin sa airport na paper(s) from BI?
nag-email nako sa IOM, nagtanong kung may mao-offer silang discount. cebu-perth, at nabasa ko sa isang post somewhere here na di yata kasama ang flights to Perth sa mga tinutulungan ng IOM for airfare discounts (tama po ba pagkakaintindi ko?) baka may maitulong din po kayo kung saan cheapest, kasi medyo rush na, i'm sure mahal na ito.
question 3: tingin nyo po ba may nakalimutan pa ako?
first time ko to go out of the country. i feel nervous and worried. and this is not how i imagined my first travel would be. ang tatay ko ang pinakamarubdob na nagdasal para ma-grant ang visa ko. at nangulit for two years via annoying weekly calls na asikasuhin ko na ang application ko. i find this situation now to be very odd.
lastly, pwede rin po bang humingi ng dasal sa inyo para sa tatay ko? maraming salamat po. God bless us all.