hi share ko lang preparation ko sa IELTS two years ago.
pag sa British Council ka nag-register for IELTS exam, may free access ka sa library nila. nung time na yun may work ako so every Saturday lang ako pumupunta (closed pag Sunday). Mga 10am-4pm ako dun, kumakain na ko ng heavy lunch. pwede din naman mag-merienda break kasi may mga fastfood sa kalapit na building.
I try to answer as much Listening at Reading mock exams sa books doon.
take note of your mistakes, and try to find out how you can score better.
May mga books din na Common Mistakes, maganda syang reference.
Try to take down notes na galing sa books especially about speaking and writing kasi yun yung mahirap i-self review kasi walang answer key, unless may review school ka kung saan may magchecheck ng answers mo.
Pwede pala magpaxerox ng book, but only 10% of the content (ex. 100 pages ang book, bibigyan ka nila ng 10 papers)
everyday, try to write topic cards (for speaking) ex. about your dream house. sulat ka ng phrases/adjectives para madami kang ideas pagdating ng mismong exam.
para sa writing, nagpapractice ako sumagot ng task 2 mostly at oorasan ko.
for task 1, may book sa British Council (forgot which one), na may technique on how to answer pie chart, bar chart, a process diagram, etc. or sa internet try nyo mag-search.
for speaking, nagpractice ako with a friend (tamang-tama magtetake din sya ng IELTS)
ang importante naman ay mapractice nyo yung Listening, Reading, Speaking at Writing within the alloted time na allowed sa IELTS. kasi it's the pressure of time na kalaban sa IELTS.
Goodluck IELTS takers! God bless sa review.