yey natapos na yung speaking exam ko kanina, RLW na lang sa saturday. sobrang kabado ko akala ko mauutal ako, buti na lang nung nagstart na medyo nawala nang konti yung kaba ko, and mabait naman yung interviewer, malumanay magsalita so it helped din para mag subside yung kaba ko.
ang inask sa kin ay about sa garden (yung para sa 1-2 minute topic thing ko) buti na lang nakaisip ako agad hehe. pagkabasa ko, nagpanic ako saglit kasi ang nakasulat is talk about a garden na navisit ko, so naghalungkat pa ko sa utak ko ng garden na napuntahan ko na, buti na lang naalala ko yung botanical garden na pinag fieldtripan ko nung grade 5 pa lang ako haha (imagine more than 10 years ago na yata yun) so ayun whatever came to my mind sinulat ko muna.