@Hunter_08 Thank you... Goodluck and God Bless!
Kayang-kaya naman makakuha ng pasadong score, basta prepare lang ng todo sa review saka focus...
Yung sa akin, self-study lang, ang materials ko ay yung yung Cambridge IELTS 7 and 8 na nakuha ko dito sa forum natin... nakapag-exam na kasi ako nung nag-share si Strader kaya hindi ko na-review yung Cambridge 1-6.
Ang tip ko lang, kahit nakapag-review na kayo ng todo... huwag na huwag magpapa-distract.... yung Listening kasi unang exam, nung may na-missout ako sa conversation, na-distract ako at nag-panic, kaya pati yung mga sumunod na usapan nahirapan na ko sundan....
Sa Speaking naman, huwag kayong kabahan... totoo yung sabi ng mga Examiners na andun sila para tumulong makakuha ka ng mataas na marka at hindi para pahirapan ka...
Yung Speaking Examiner ko British sya, before and after ng conversation namin kinakausap nya ako kung ano raw ba work ko, bakit ako kumuha ng IELTS...
Sa Perth sila nakatira ng family nya.... Natuwa pa nga sya nung nalaman nyang kaya ako nag-exam is para sa pag-aapply ko sa Engineers Australia, tapos sabi nya, "I bet Engineers Australia expects a very high score...."
Kaya masayang masaya ako sa 8.5 score sa Speaking! Hehehe