@nice_guy sa writing, as suggested before by forum members, recommended nila ang <a href="http://www.writefix.com">writefix</a> dito rin ako nagbasa basa noon and nagkuha ng tips.
Also, ang ginawa ko nagtry ako mag sulat sulat both task 1 and 2 gamit yong cambridge. Tapos ipapabasa ko sa partner ko kasi mas marunong siya sa kin sa pagsulat haha. Tas lalagyan niya comment tas tuturuan niya ako ano pa pwedeng mga mailagay sa mga sulat.
Sa exam day mismo, inuna ko yong task 1. Nung una nitry ko gumawa ng list para may susundan ako pero habang tinitignan ko yong oras e nakikita ko na kukulangin ako. So I decided na isulat ko na tuloy tuloy. Tapos di ko na siya binilang. Nitantya ko na lang based din sa mga practise test ko.
for part 2, sakto 40mins remaining nagsimula na ako. Tapos inisip ko lang ano mga isusulat tas consistent lang din. Although di ako talaga confident kasi nga parang paulit ulit sinasabi ko, Di ko narin na check kung may mga errors pati ung number of words. Kasi nakita ko 5 mins na lang nagcoconclude pa lang ako hahaha.
Ayon sa awa ng Diyos pumasa naman.
Ang payo ko lang e basahin lang yong mga samples sa internet o sa cambridge na reviewer, tas sulat sulat lang. Sa task 1, di na ako nagfocus ng practise writing. Sa task 2 ako nagpractise, mga 3 iba ibang topic ginawa ko tas yon.