<blockquote rel="burberry"><blockquote rel="icebreaker1928"><blockquote rel="burberry"><blockquote rel="icebreaker1928"><blockquote rel="burberry">hi diwata - na reciv ko na. pro di ko pa na open. tnx ule.
hi icebreaker - congrats! how many attempts ka at san ung last exam mo
BC or idp?</blockquote>
4 attempts... all IDP π</blockquote>
me soft copy ka ba ng reviewer? pede mahiram . </blockquote>
aralin mo lahat ng cambridge dito sir...
http://artefact.lib.ru/languages/eng_textbooks_ielts.shtml
score ko nga pala L7.5 R8.5 W7 S7.5
pano ba maglagay ng timeline dito?</blockquote>
thanks.aca or gt ka? me lumabas ba sa mga nreview mO? π] </blockquote
GT po ako...
pag lagi ka na nagsasagot ng IELTS... may mapapansin kang pattern.. sa experience ko ganito..
Speaking
Aralin lahat ng mga tanong sa Cambridge... marami dyan umuulit or iniiba lang ng konti..
lagi natatanong saken famous person na hinahangan ko at bakit... sagot ko si Pacquiao typical rags to riches story bla bla bla hehehe...
ito naman natanong ng 2 times saken, anong sports gusto mo? mas active ba sa sports ang babae o lalake? describe a sports na pinanood mo at kung san mo pinanood...
syempre sagot ko ulit boxing(pacman) at nanood sa internet ng free streaming hehehe...
Writing
- discuss pros and cons, adv and disadv etc.... and what is your opinion?
perfect ang writefix.com format dito na 37773
- two part question? sample..
What is the effect of global warming to our environment?
What can we do about it.
Pede dito gamitin ang format na 37773 pero instead na pros and cons ang discuss mo, discuss mo yung 1st question then yung 2nd question
- Do you agree or disagree? Give relevant examples.
Dito mamimili ka kung totally agree ka or totally disagree ka, may format din ang writefix.com dito, 3553 ata, nde ko na maalala hehehe...
Isa pa sa ginawa ko para maimprove writing ko, nag-aral ako ng grammar for 1 month... balik grade 1 ako hehehe... madalas hindi natin alam kung kelan gamitin ang tamang preposition like at on in...inaral ko ulit yun hehehe...
sa cohesion naman, punta kayo dito http://www.dcielts.com/ laking tulong nito para saken..
dito ko nalaman ang tamang diskarte sa cohesion... not enough ang furthermore, Therefore etc... para maging coherent ang essay mo... at minsan kinaiinisan pa daw to ng nagchecheck ng paper mo, kaya binawasan ko ng konti ang pagamit nito π
Listening
ito ang pinakamadali, pede mo maperfect to(pero nde ko magawa hehehe)... practice lang kelangan dito...at least once a day magpractice ng listening at makukuha mo ang tamang diskarte... sa map lagyan ng east west north south... sa tabular data, kelangan same format ang sagot mo sa ibang given data... mahirap idiscuss sa forum, maganda kung in person ang turo dito hehehe...
Reading
dito ako hirap na hirap dati, first 2 attempts ko dito bagsak ako, 6 then 6.5 respectively...
so ang ginawa ko, sinagutan ko lahat ng cambridge reviewer, kahit GT ako, pati ACAD sinagutan ko... nakatulong din kasi mas mahirap ang mga tanong sa ACAD... tapos ang technique na ginawa ko, nagsagot ako pero walang time limit, i tried to answer the reviewer na makaperfect sa reading w/o time limit... so this way... nalaman ko mga tamang diskarte sa pagsagot... dun ko nalaman na good technique yung pagbilog ng sagot at paglagay ng number sa sagot... then after na makuha ko na yung technique, dun nako nagsagot ng may time limit...
sa GT reading, pag last 20 mins na, dapat nasa last article ka na, or else kukulangin ka na sa oras, yun ang palatandaan ko...
unahin din basahin ang tanong bago basahin ang article... habang binabasa ang tanong, encircle the keywords, para pag nabasa mo sa article, may hint ka na andun lang ang sagot.
credit also goes to 9.0niners review center, nag-enroll ako dito at yung ibang technique e nakuha ko sa kanila...
oooopppssss... ang haba na pala.. yan po ang mashare ko na experience ko sa nightmare ng buhay ko, ang IELTS hehehehe π
sa wakas at nakaraos na rin... Thank GOD!!!
sa mga mag-eexam pa lang, goodluck, kaya natin yan, aral lang mabuti.
God Bless.