In my case, three times akong nag-take ng IELTS bago ko nakuha yung score na kailangan ko (which is atleast L: 8.0, R: 7.0, W: 7.0, S: 8.0) for a positive skills assessment.
When I registered for my first IELTS, bumili ako ng reviewer na Cambridge English IELTS 9 from British Council. Yun yung nirecommend ng staff kasi authentic materials siya na nagamit na from previous tests. Almost every day nagpractice ako for listening and reading. When I got the results from my first take, sablay ang writing and speaking ko, na feeling ko deserve ko naman kasi hindi ako nag-aral ng writing and speaking.
In preparation for my second IELTS, nag-review ako sa review center (MSA Academic Advancement Institute). Kumuha ako ng 16 hours total na review for writing and speaking. For me kasi, kayang i-self study ang listening and reading kasi objective siya, tapos may answer key naman yung practice tests sa reviewer ko. Pero yung writing and speaking, kailangan talaga merong magcocomment at magccritic sa output mo, para alam mo kung saan ka nagkamali at kung saan ka pa pwedeng mag-improve. Pagkakuha ko ng results dun sa second take ko, nagulat ako kasi kahit tumaas yung score ko sa ibang components, yung writing ko eh bumaba! So nagrequest agad ako ng re-mark.
Positive naman yung outcome ng re-mark, but still hindi siya yung needed grade ko. So nag-retake ako for the second time, and just like what they say, third time's a charm!
After sitting the test three times, feeling ko tuloy veteran na ako sa IELTS hahaha! So eto ang mga maibibigay kong tips para sa inyo:
LISTENING
Wag kang mag-assume kung ano ang tamang sagot. Minsan kasi baka may certain answer ka na ieexpect na lalabas, tapos sa kakahintay mo sa word na yun, hindi na siya dumating at na-miss mo na yung answer altogether.
Don't drift off! Pag nagstart ka nang magdaydream or mag-isip ng ibang bagay, consciously divert your attention back to what you are listening to.
Make notes on the questionnaire while listening to the sound clip.
Listen to radio recordings, podcast, shows in different accents. Sanay na tayong mga Pinoy sa American accent, so I'm sure hindi kayo magkakaproblema dun. Sa British and Australian accent mag-focus.
READING
Isa lang ang tip ko para dito: HUWAG magmamadaling magbasa! Ang thinking ng tao, kailangan magbasa nang mabilis dahil sa time limit. Pero sa totoo lang, mas magsasayang ka ng oras kung magsskim-read ka lang sa passages. Kasi ang mangyayari, makakalimutan mo agad ang binasa mo at kakailanganin mong bumalik sa article nang paulit-ulit. Don't get me wrong, okay lang naman bumalik-balik sa article, kasi hindi naman tayong lahat eh merong photographic memory. Pero, mas mainam kung babasahin nang maigi ang article, para pag may kailangan kang hanapin na sagot, alam mo kung saang part ng article hahanapin iyon.
WRITING
Make a quick outline/plan on what you're going to write. This can help prevent you from rambling on while writing. Para alam mo (at ng checker) kung saan patungo ang mga pinagsususulat mo.
Intindihin nang maigi kung ano ang hinihinging sagot sa tanong. Malaki ang mawawalang points sayo kung mali ang pagkakasagot mo sa tanong.
HUWAG maging conscious sa required number of words. Mas malilimit ka sa mga bagay na pwede mong sabihin at mas masstress ka lang kung magfofocus ka sa number of words na kailangan kesa sa kung nag-iisip ka nalang ng maisasagot mo sa tanong.
SPEAKING
Magpractice makipag-usap sa ibang tao gamit ang English!
Hindi kailangang artehan ang accent. Mas may chance na mag-stutter ka kung magfofocus ka sa kaartehan ng accent mo kesa sa content ng sinasabi mo.
Remember the acronym PREP as a guide for the long speaking part: P for purpose (what is it for), R for reason (what are your reasons for your purpose), E for examples (what are some specific examples for the reasons you gave), and P for purpose (restate your original purpose).
Hopefully makatulong itong mga pinagsasabi ko. Good luck sa mga magttake ng IELTS! Kayang-kaya niyo yan! Maniwala kayo sa sarili niyo. π