nag-back read ako dito, kakatuwa naman yung nagcompare ng mga sagot. Hehehe. Goodluck sa inyo, sana lahat kayo no band below 7 each subtest, para lahat masaya.
About dun sa pagbura, bad-trip din ako sa katabi ko dati, kung makapagbura, wagas na wagas parang wala nang bukas, nayayanig ako hahaha. Kapag nagbubura rin ako, alam ko nayayanig din sya hahahah. Pero siempre hindi kasalanan ng mga examinees kasi ang pagbura ay may halong tension, at panginginig. Dapat ang upuan nila matibay yung hindi umuuga para hindi maka-distract ng katabi. Usually nangyayari yan sa listening part kasi dapat hyper ang sense of hearing mo, kaya ayun kahit sa pagbura nakaka-hyper na rin hehehe.
About sa scoring, sabi ng review center, depende raw yan sa difficulty ng test. Kapag mahirap ang test pwedeng 27/40 = 7.0 na. Kapag easy, minsan 30/40 = 6.5.
Naalala ko nun sa review center (niners) hindi kami pinapakuha ng actual test hanggat hindi kami nakakuha ng 34/40 sa easy listening during mock exam.