Share ko lng po experience ko with IELTS.
My husband enrolled in niners, although umaatend cya ng classes di naman ganun kadalas. Dapat cya ang main applicant kasi na-scrape ang skill ko dati, after jul2011 binalik skill ko under SOL2 (thank god!). Anyway, nag-take cya ng exam nitong Jan eto score nya: L-5, R-5.5 W-4, S-7, OBS=5.5.
After kong pumasa sa ACS, ako n nagdecide mag main applicant. Nag-self review lng ako using tips sa internet, just google and ang daming sites - most helpful site sakin is IELTS-blog. Plus ung exam materials nya from niners (which I notice is compilation lng ng cambridge materials). Sa bhay I would practice answering sample exams with time limit and then after binabalikan ko bkit ako namali.
Payo ko lng sa mga mag-eexam, practice and then decide which technique works best with you. Kasi ang technique ng iba bka nde naman swak sayo.
Like sa reading ang iba ang technique nila scan ung passage then circle ung mga keywords, ang nag-work naman saking technique is ung basahin muna ung tanong then tsaka hanapin ang sagot.
Speaking naman, madaming sample sa youtube. Experience ko sa speaking, ung first take ko ang examiner ko is British na medyo may edad na. Before the actual exam, tinatanong nya ako ano daw b score ang aim ko tapos san daw b ko pupunta at nid ko mag-IELTS. Sabi ko I need 7. Tapos binola pa ko.."You've got a pretty face"..hehe. Sabay tanong na "Are you already married." I told him yes with 2kids..hehe. During exam, d ko natapos ung long turn namin pero nasagot ko naman lahat ng tanong nya. After that kinuwento ko sa husband ko, meron din palang ganung kwento sa niners, hiningi p daw ung number ng girl pero ang masaklap di naman binigay ung score na sinabi nya..hehe.. Kinabahan ako kasi bka bigyan ako ng mas mababa pero ayun as u can see in my timeline, 7 naman binigay nya.
Second take, ung examiner ko pinay, sa itsura p lng istrika, ni hindi ngumingiti. D ko n lng mention name nya pero nung sinearch ko cya fb, may mga masterals sa language ang lola mo tapos teacher sa ateneo ng english for grade school. Profile pic p lng ang sungit na..hehe Anyway between my 2 exam, mas confident ako sa 2nd exam ko kasi nine-nerbyos ako during my first take. Nung L-W-R exam na, nakita ko ung babae na nauna sakin dun sa examiner, napag-usapin namin ung examiner, tinatanong daw cya kung happy ang childhood nya. Gusto nya daw sanang magkwento pero dahil nga tiger look ang examiner sabi nya n lng daw "no" para matapos na usapan nila..haha
Personal view ko lng, you don't need to enroll in a review center to get your aim score. Practice! Practice! Practice!