Hi @HaideeN. Share ko lang experience ko. Ganyan din ginawa ko, nginitian ko at pinaubra ko yung charming aura ko lol!! Kasi ang alam ko kung sino yung naginterview sayo sya din yung nagma-mark din ng score sayo. Tapos tama si LokiJr, kaibiganin nyo po yung Admin at ska yung assessor sabihin nyo na kailangan nyo ng at least 7.
3 times po ako nag IELTS dito sa States. March, April and May. Yung April sa ibang state ko pa kinuha, imagine mo po yung gastos ko.
Sa mga question sa Speaking, sa una mga personal question lang naman so madali lang actually. Mahirap lang pag tinanong ka na ng opinion mo sa isang bagay. Minsan kasi ang hirap ng tanong doon like "What is the Effect of Social Media in our Society?. Yun po yung tanong sa akin. Yung segway nya sa akin dyan ay "How do you connect to your friends?" Tapos nung sinagot ko ay Social Media tools like FB, Twitter at linkedIn saka na nya tinanong yung Miss Universe questions. hehehehe!
Basta relax lang po, there is no right and wrong na sagot ang gusto lang nila makita ay paano ka mag compose ng english π
Ang tip ko po, pag di nyo alam ang sagot or nagiisip pa kayo mag singit ka po ng parang "There is a lot of effect but I think the....." pero habang sinasabi mo po yun nagiisip ka na ng mga isasagot mo. Wag ka po mag "ammmmm.... hmmmm"
Importante yung train of thoughts! Wag ka po mawawala sa pagdugtong dugtong ng mga sagot.
Mababait naman yang mga assessor na yan based sa experience ko dito sa States.