@bytubytu,
sa IDP ako nagexam sa Clark Pampanga. actually walang pinagkaiba kung BC or IDP kasi sa Cambridge University lahat manggagaling ang exam. nagreview kasi ako sa World English kaya naloaman ko ang mga do's and dont's sa pagsagot ng mga exma. eto ang mga tips ko, although yung mga iba nasabi na ng mga iba dito:
LISTENING- diba bibigyan ka kasi ng time to browse the questions bago iparinig ang script, sa pagbobrowse mo, dapat magpredict ka na kung ano ang mga possibleng sagot, kung noun ba, verb, places, numbers, Titles, etc. Actually ako perfect ang score ko sa listenming exam pero halos 3 ang hinulaan ko kasi di ko masyadong narinig kaya nagisip na lang ako ng posibleng sagot, ayun tumama naman. tapos sa pagsagot, diretso ka lang sa test paper, huwag nang lilingon lingon pa kung saan. At once na may namiss kang tanong, huwag mo ng pakaisipan pa yun, move on na kaagad sa next item, kasi baka lalonmg mas dumami ang mami-miss mo kung iisipan mo pa kung ano ang sagot doon. saka nmo na lang isipin ulit kapag binigyan ka na ng time na magcheck ng sagot.
READING- dito medyo nahirapan ako kasi lately humirap ang reading exam sa IELTS. majority ng mga kasabayan ko dito bumagsak. kasi lalong humaba at naging kumplikado ang mga pinababasa nila. kung dati simple advertisements lang, ngayon, puro mga mahahabang information na tungkol sa job, history, culture, etc. Ang technique dito, MAGINGAT SA SPELLING, at pakainitindihin mabuti ang tanong. magingat din kung plural o singular ba ang sagot. at pakatandaan ang mga synonyms. ako personally medyo hirap sa true, false, not given kaya puro ganun ang ginawa kong exercises sa review. ang ayoko sa reading exam ng general training, kailangan at most 6 mistakes lang bago ka makakuha ng band score 7.0 kaya pahirapan bago makuha. isa pa, minsan akala moi tama na ang mga sagot mo kaya kampante ka only to discover na marami ka palang mali. kaya ako expected ko na na may mga mali ako sa reading. at last na tip, unahin niyong sagutin ang mga fill in the blanks, ihuli niyo na lang ang True, Flase, Not Given. Kapag may item na hirap niyong sagutin, laktawin niyo na lang and go back after.
WRITING- gaya nga ng sabi nung isang kasama natin dito, gumawa na kayo ng pattern para sa Introduction, Body, at Conclusion. for example, sa INTRODUCTION, puede niyong simulan ng "In a contemporary society....", "In the advent of globalisation....", "It is not uncommon nowadays to..." Para naman sa BODY, puedeng "Perhaps the most persuasive argument that supports the idea of..." para sa argument at kung counter-argument naman, puedeng "Granted, there are also some strong points that contradicts..." sa Conclusion yung usual na "In Summary", "Therefore", etc. pinakaimportante dito ay yung outlining at yung sentence construction, guwag kalimutan ang mga connectors tulad ng "In addition", "Moreover", etc.
SPEAKING- maraming mga sample interview sa youtube isearch na lang. o kaya magtype sa google ng sample IELTS interview questions marami ring sopurces. ang pinakaimporante dito, huwag magpaka-TRYING HARd, basta sagutin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo, huwag masyadong mabilis, at iwasan ang mga "uhhm". "aahh". kung hindi maintintidan ang tanong, ipaulit sa examiner. pero may ginawa ako isa na sobrang effective pero hindi advisable kasi m,edyo delikado unless may magchecheck ng Blood pressure mo, uminom kasi ako ng Propranolo pero 10 mg lang, pahihintuin kasi nun ang kaba mo para kapag nasa interview ka na, wala kang kakaba-kaba, confident ka, parang lalamunin mo ang examiner. pero huwag iinom kung mababa ang BP baka magcollapse ka. pero sa akin epektibo yun, nung interview sobrang confident ako pero 7.5 lang nakuha ko baka nadale ako sa pronunciation.
Un lang muna.