Sa Listening, Reading, Writing naman:
Listening
Nagdasal talaga ako na sana wala o kahit kaunting MULTIPLE CHOICE questions lang. Sad to say, more than 10 items ang multiple choice. By experience, weakest ko kasi iyan. It proved nga na nangarag din ako during exams, sa part 2, 7 questions ang meron. Habang binabasa ko, feeling ko nag freeze na utak ko. HAHA. Tricky ang questions, sa tatlong choices, 1 doon sure ng mali, yung 2 choices, nasabi sa recording. So choose na lang sa best answer. Pero sobrang dikit ang 2 choices. Hay! 50/50 ako dyan. Ganoon din sa part 4, may around 5 multiple choices. Naiyak tuloy ako. Nabasa ko naman lahat, pero. Unsure pa rin. Sa tama sila.
Reading
Nagdasal din ako na sana wala o kahit kaunting TRUE/FALSE/NOT GIVEN at YES/NO/NOT GIVEN. Pero umpisa pa lang, 7 TFNG na ang meron. Other parts are easy naman. Pero bandang huli, may apat namang YNNG. 11 lahat sila. Medyo critical ito kasi kung di mo nabasa yung instruction, baka true/false/ng ang naisagot mo. Sa 3rd passage, ang mahirap. Sana tama.
Writing
Task 1 ay table, task 2 ay open-ended question. Easy lang ang topic but writing on time is a different story. Inuna ko ang task 2, around 35 minutes, natapos ko without editing. Task 1, knowing na mabagal ako dito nag allot talaga ako ng 25 minutes. Natapos ko naman 3 mintues before time. Nag edit pa ako sa task 2 at task 1. Napaka important ng editing kasi, malalaman mo talaga na maling grammar, tenses, or spelling. Halos 3 rin ang nakita ko. Medyo kabado ako sa task 1 baka di ako nakaabot ng 150 words.
Nakaka drain ang IELTS. Nakakapagod. Sana last ko na iyan.
I badly need a 7.0 in all subtests. Sana generous ang examiners ko.