hello everyone! i truly appreciate this thread. Anyway, i have few more questions about the de facto relationship (same sex). I met my girlfriend online nung nagaaral pa ko sa UK. When I came back to the Philippines last year, we made the relationship official. To date, we've been together for more than a year living under one roof. Sa loob ng isang taon na yun, twice ako umalis ng Pinas para bumalik ng UK. una para umattend ng graduation ko and second for leisure.
Now, I'm about to lodge my student visa in Australia since kukuha ako ng masters degree which will start on November. sobrang rush na talaga kasi isang buwan na lang meron ako para i-process visa ko. I have no idea kung kelangan ko na ba siya i-declare sa visa application ko even if hindi pa naman siya sasama sakin pagalis - susunod na lang siya.
We can provide proof of relationship such as travel photos, lease agreement, photos with families, and phone call/video calls nung mga panahon na nasa uk ako.
My questions are:
Wala kaming joint account. How will I be able to meet the financial evidences?
We recently purchased a car nung June. Sakin po nakapangalan ang kotse. Meron kaming notarised affidavit na shared owner kami nung kotse at hati kami sa pagbayad ng monthly amortisation. Pwede po kaya naming gamitin na proof yon?
Also, nagsasama po kami sa isang bahay. Alam po ng parents ko san kami nakatira at nagsasama na kami pero I doubt na makapag provide po ako ng statement ng parents ko allowing us to live together kasi medyo hindi parin po sila masyadong open dun sa same sex relationship ko. pano po kaya pwede kong gawin dito?
Kelangan ko na po ba siya i-declare sa visa application ko kahit hindi pa siya sasama sakin?
Pwede ko po kaya siya i-declare na de facto relationship ko even if my visa application is financially supported by my parents?
Hopefully may makatulong po sakin sa mga questions ko. I will appreciate it as well if may makapag pm po sakin ng possible list of documents that we may need once isama ko siya sa visa application ko.
Maraming salamat po! 🙂