@mann - congratz kabayan. Dami nga talagang OFW sa SG na lumilipat sa Australia. Though maganda naman talaga ang SG pero in the long run, mahirap pa rin maging permanent. Eka nga nila rito, pang-ipon lang talaga ng pera before migrating to Canada/Australia at sa ibang countries.
May mga nagtatagal rin naman rito at nagiging citizen na. So case to case basis nga talaga.
Personally, 3 years+ palang ako rito sa SG pero nag-decide na ako mag-apply ng PR sa Aus. Hirap na kasing maging PR rito at yung mga tropa ko na nag-apply ay laging nare-reject not just once pero twice and trice. Eh sa Aus, kahit wala pa ako doon eh nakakuha na kaagad ako ng PR.
Monetary-wise, ang sabi nila ay mas malaki raw ang net income rito sa SG dahil mababa ang tax. Pero na-calculate ko sa paycalculator.com.au at sa mga nabanggit ng tropa ko sa Sydney na kahit malaki ang tax eh mas malaki rin naman ang gross income.
Dito sa SG, hirap makakuha ng 100k per annum na sahod sa tulad kong may 6-8 years experience pero yung mga tropa ko sa Sydney ay nakaka-kuha ng 130k-150k na salary. Na-confirm ko ito nung nagche check ako sa seek.com.au
Okay, medyo mahaba na yata ang comments ko hehe. In conclusion, okay ang Singapore at Australia. Case to case basis nalang siguro ang labanan.