<blockquote rel="retake">Mga batchmates, maraming salamat ulit sa inyong suporta noong June to September last year. Malaking tulong talaga itong forum!
Maraming nangyari nung na-approve ang aking visa, na halos nakalimutan ko nang bumalik rito sa forum hehe. Dumating ako sa Down Under just 5 days after the visa grant, nag-aabang nalang kasi ako noon. Then 1 month job hunting at nakahanap rin ng work. So far, so good!
Sa mga kapwa ko OFW sa Singapore, huwag kayo matakot sa tax rito. Though nasa 30% ang tax (compared sa 2% sa SG) , eh malaki rin naman ang base pay rito so malaki pa rin ang earnings. Pero I think, kapag nasa 8k to 10k na ang sahod mo sa Singapore, eh medyo pantay na rin rito so depende pa rin.
Share ko rin itong site: http://paycalculator.com.au useful iyan sa pag-compute ng takehome pay. Accurate naman nung ni-try ko.
All the best ulit batchmates. At hopefully, we can keep in touch rito sa Australia, parang konti lang kasi ang Pinoy na nakikilala ko rito eh. </blockquote>
Hi @retake bakit ka po nagtake ng PDOS? Required ba yun? Di ba PR naman tyo sa AU? Wow! Naki-PR na ako kahit naghihintay pa ng visa grant hehehe.