<blockquote rel="magenjoyka19">HI, gusto ko sana mang hingi ng advise. Sana po masagot ang mga tanong ko regarding External Audit.
1) In terms of work pressure and load, alin po ang mas mabigat, Sa PH or AU?
2) In terms of marketability, alin po ang mas madaling ma hire sa AU, External Audit or General Accounting?
3) If ang experience mo dito sa PH is purely External Audit, puwede po bang ma hire sa AU as General Accountant?
Salamat po sa mga sasagot. Nag babalak po kasi ako mag shift ng career from GA to EA.
</blockquote>
lols walang sumasagot sau. Ako nlang based sa experience ko and kahit wala pa ako sa Australia.
1) 6 years ako nag work sa auditing firm sa pinas, isang mid tier isang big 4. Dito sa Singapore almost 3 years nman. Australia obviously wala pa. Work pressure and load, sagot is depende. Depende sa audit firm, sa clients nyo, sa firm culture etc. Pero kung sasagot ako sagot is sa Pinas.
During my early years as external auditor sa pinas (mid tier firm), I've experience 5 straight days na overnight, tulog ko a day is around 30mins-1 hour lang. Yung jollibee pinapadeliver pa sa office. Kasi 4 na clients ung finafinalise ko para makaabot sa april 15 tapos lagi pa nagsusubmit ng adjustments ung clients. Kasi dun ikaw lahat, tax, fs, sec requirements, pag print at pag bind ng FS, pati pangongolekta sa clients, at pagpila sa BIR office (all around), etc. Umuwi lang ako sa bahay kasi nangangati na ako at walang ligo. Its really hard to beat that really and ayoko na maexperience ulit. Di ko na experience yan sa SGV at lalo na dito sa SG (1 or 2 times lang ako nag overnight). I doubt sa australia i will experience that madness with only 8,500 pesos monthly salary LOL.
2) I think external audit, and obviously kung sa audit firm ka rin mag apply. Mas required kasi local experience sa general accountant roles, and i assume sa external audit hindi masyado and di lahat gusto mag work sa firm at bumalik sa stressful life.
3) Pwede naman pero di lang ganun kadali.
Kung ako sau, mag focus ka nalng sa GA, unless bata ka pa and energetic and you want a fresh start sa career mo. Usually kasi its the other way around, EA to GA/IA/Financial Analyst/etc.
Sa akin opinion lang nman.